As most of you already know, my father recently passed away. Hence, I am helping my mom fix his pension and the requirements. Below is how I wouldv'e written it if I still kept a diary.
* this is for my relatives and friends only. Gusto ko lang ikwento personal experience ko.
Dear Diary,
Punta akong camp aguinaldo today para ayusin yung pension ni papa. I don't know how and where but I guess meron naman information booth dun somewhere. Duh, after all government office naman yun. Tsaka I'm sure may mapagtatanungan naman ako. Good luck to me! weeee!
mae
Dear Diary,
Leche!!!!! unang una, yung taxi na nasakyan ko ayaw pumasok ng kampo. bakit? kasi wala daw syang lisensya. Typical. Tama bang bumyahe ng wlang lisenysa? O sya hindi na bale, i thought kawaw nga naman sya kung mahuli pa sya at mabawasan ang kita nya. Fine, manong ibaba mo nalang ako sa pedestrian gate, ok? Pag dating ko sa gate, iniwan ko SSS id ko for a visitor's ID. dem! ang strict pala sa kampo. tagal ko na kasi hindi napadpad dito. anyway so tinanong ko si sir:
" Ser,(kelangan ganun) aayusin ko lang po yung pension ng father ko sa AFPSLAI. san po ba yun?"
" ah sige mam, mag piso ride nalang kayo, dadaan yun".
"OK! salamat po!".
Piso ride pala ah. Itsura ng enlistment pila sa UP nitong pila sa piso ride. ok lang sana maghintay kaso mukhang isa lang ata yung pumapasada na sasakyan, dahil 30mins na, wala pang piso-ride. Isa pa nakaka-guilty naman dahil yung mga nakapila sa likod mga thunders na. plus 20 years old kumbaga sa kin. So I said to myself, kaya ko naman lakarin. Baka mauna pa ko. Fine. Walk kung walk.
Ampots! ang layo pala. nasunog ako sa araw, uhaw na uhaw ako pagdating ko sa afpslai. pagdating ko dun, tanong agad ako sa information. I explained the situation then they pointed me to some window. Apparently dun daw lahat ng namatay na na members. OK, fine. Mukhang organized naman. So punta ako sa window. Di naman marami tao so nakikiramdam ako. I asked the lolo beside me,"may number po ba na tinatawag?" kasi dun sa ibang window meron eh. Sabi nya wala daw. Hintay lang daw ako. Eh pano nya malalaman na ako na sunod? Labo. Kinapalan ko na mukha ko, kahit mukhang sisigawan na ko ng nasa window. "sir may number po ba?" (hindi ko nilakasan boses ko baka ma-offend si lolo na pinagtanungan ko e). "iwan nyo lang dyan sa tabi, tatawagin nalang kayo". Sa isip-isip ko, san sa tabi? eh kung mawala tong mga documents ko?. anyway, nilapag ko pa rin sa mesa nya pero nilapit ko sa kanya. Upo muna ko. Wala naman 10 mins tinawag na ako. Pero eto na.
Sir:"Mam eto yung requirements. Eto( he starts highlighting stuff on the form) sa OTAG.
Mae: "san po yun?"
Sir: "Dyan sa OTAG" (points to his left)
Mae: (looks in the direction) " Dun po sa pinto na yun?" Malay ko ba.
Sir: " hinde dun sa GHQ" (sounds irritated) " tapos eto sa finance" I didn't dare ask any more til I was sure he was done. "Eto sa legal, ha" Looks at the documents i gave him then scratches his head. "e pano kaya to? nasa abroad pala si nanay?"
Mae: "Ay ewan ko po. pano nga ba?" hello. di ba dapat ako yung nagtanong nun?
Sir: "o sige basta kunin mo muna yang mga yan"
Mahaba pa yung usapan namin pero in essence hindi nya ma explain talaga sa kin kung ano yung procedure. basta lam nya, yun yung requirements. give up na ko. gutom na ako eh.
Mae: "sige sir, balik nalang ako with the requirements. san po ba yung finance at legal?"
Sir: " legal sa taas, dun yung elevator" Thank God. real directions. "yung legal malapit sa otag". (then starts to call another "customer"). Leaving me to contemplate on that last sentence. Am I supposed to know, by virtue of being my father's daughter, where and WTF otag and finance is? Gutom na ko. Lalabas na ko dito. Basta may list na ko ng requirements muna. May gate na palabas ng dito. Dem! andun yung ID ko sa kabilang gate. Hay. Lakad ulit. Yung ganitong init, dapat nasa beach ako. Ok lang. maaliwalas naman hangin. panay golf course ba naman paligid. Habang naglalakad nagbabasa na rin ako ng ga signs along the road. "this way to OTAG". Uy! Yun na yun. Might as well go there. Andito na rin lang ako.
*to be continued*
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
naman! nabitin ako sa diary entry mo..
ReplyDeletebitin! um, asaan 'yung mangga? hehe
ReplyDeleteha!ha! di malaman kung tatawa ako o sumimangot. ganyan talaga sa campo, talking from experience. Isipin mo na lang, na once upon a time, ang trabaho ni papa mo ay 'liaison' aywan kung "layas-un" ang ibig sabihin nun, pero alam ko para siyang si Samuel Bilibid....lakad ng lakad (maliit ka pa nun)
ReplyDeleteyun yung breaking point ko kung bakit ko sinulat yung blog.sa continuation nalang.nangawit na ko eh.
ReplyDeleteDang Nebet! Bitin! Natatawa nako biglang to be continued. Heheh
ReplyDeleteWelcome to the world of "government employees". Ganyan talaga yan. Turo D2, turo doon - most of the taym using their nguso (only d Pnoys). What the heck do they care, their job is guaranteed. Sa private sector naman, employees have meetings to plan when their next meeting will be. In the corporate world, they do make encouraging process improvements only to correct their previous mistakes in the years to come. It is how the economy is moving - at the expense of the "little people". Next taym, use the phone and ask them. And when you do, you get this recorded message. In America, live persons we talk to on the phone are halfway around the world (aka call centers). Good Luck!
ReplyDeleteHaay, ganyan nga talga pag nagpunta ka sa Government office, di maliwanag mag-explain mga employees! nakakabaliw! samantalang yung iba mags-tsamp nalang ang work parang hirap na hirap pa sila gawin yung job nila! good thing, when i accompanied my friend there sa Camp Aguinaldo regarding din sa Pension, mabilis naman ang process. wala pa kaming 20 minutes. swerte lang siguro talga nung day na yon at walang tao and matino kausap mga employee that time..
ReplyDeleteNote: pag sa Government office ang punta bring along with you SUPER MEGA OVER LONG PATIENCE (para sa pag deal with those people) and ENERGY (para sa mga lakad papunta, pabalik balik kung saan ka man ituro)
Ganon talga.. asa Pinas tayo eh! :-(
wahehe. kumpletuhin mo. may ganyang istorya sinulat yung orgmate ko tas nanalo ng Palanca. sa BIR office naman yun. :)
ReplyDeleteoonga.eh day 1 palang yan. naka 5 days na ata akong punta dun.
ReplyDeletenatatawa ako na naaawa sa iyo....i like the way you write, para akong nagbabasa ng libro (hehehe)...oh gosh, you poor thing you....good luck...keep on going, it's interesting... =)
ReplyDeletewow thanks.akalain mo yun?totoo pala yun pag nag overflow ang emotions kailangan mong isulat.
ReplyDeleteay naku, let it out dear... =)
ReplyDelete